Bahay sinunog ng selosong mister

MAKARAANG mag-amok ay agad na sinunog ng isang mister ang kanyang bahay dahil lamang sa selos sa kanyang misis sa Barangay Acao, Bauang, La Union kagabi.

Kinilala ang suspek na si Armando Marquez, 29, ng nasabing lugar.

Sa report, bigla na lamang sinugod at inaway ng mister ang kanyang misis na si Grace, 29, habang nakikipag-usap sa kanyang kapatid at sa sobrang galit ay sinunog ang kanyang bahay.

Wala namang tumulong sa pag-apula sa nasusunog na bahay sa takot ng mga kapitbahay na sila naman ang tagain ng suspek na noon ay may bitbit na espada.

Sa imbestigayson, lumalabas na madalas na magselos ang suspek nang walang dahilan at laging sinasaktan ang biktima lalo kapag lasing.

Magsasampa naman ng kaso ang misis sa kanyang mister.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply