Bahay sinilaban ng naburyong na balikbayan

TOSTADO ang 50-anyos na mister matapos silaban ang sariling bahay saka nagbaril sa sarili sa Negros Occidental, sa ulat ng pulisya kanina.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Keric Gasataya, ng Bgy. Progreso, Binalbagan at sinasabing matagal na nanirahan at nagtrabaho sa United States.

Nabatid mula kay Senior Insp. Albert Sy, hepe ng Binalbagan Police Station, nasunog ang bahay ng biktima alas-8:00 ng kahapon.

Natagpuan ng awtoridad ang sunog na bangkay ng biktima sa ikalawang palapag ng natupok na bahay.

Nakita rin na may hawak itong baril na nakatutok pa sa kanyang bibig.

Sa imbestigasyon, dalawang putok ng baril ang narinig ng mga kapitbahay ng biktima bago nakitang nag-aapoy na ang bahay nito.

Sinasabi na walang ibang tao sa loob ng bahay ng mangyari ang insidente maliban kay Gasataya.

Napag-alaman na nasa Estados Unidos nagtatrabaho ang asawa ng biktima at anak kung saan 20 taon din itong nagtrabaho sa naturang bansa bago umuwi sa kanilang lugar.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang nagtulak sa biktima sa paggawa sa naturang krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply