Bakit tayo ganito?

KUMIKILOS ang isang tao ayon sa tingin niya sa kanyang sarili. Maaaring ito ay naiimpluwensiyahan ng pagtingin ng iba sa kanya at kung paano niya tinatanggap ito.

Kung malakas ang tiwala mo sa sarili, hindi makapanghihina sa iyo ang pangmamaliit ng ibang tao sa iyo. Magsusumikap ka pang lalo upang patunayang nagkamali ang mga humahamak sa iyo.

May problema kung ikaw mismo ay maliit ang pagtingin sa sarili.

Sulyapan natin ang kasaysayan.

Mahigit 300 taon tayong hawak ng Espanya. Di tayo binigyan ng pagkakataong mapaunlad ang pulitika at ekonomiya ng bansa.

Dahil kailangan ng Espanya ng makakasama sa pamamalakad ay umusbong ang uri ng mga Pinoy na may kaunting kabuhayan.

Ginamit sila ng mga banyaga upang lalong lumaki ang kanilang kita.

Sa nobela ni Gat Jose Rizal na “Noli me Tangere,” kinutya pa tayo at pinagbalaan na” ang matatalinong tao ay humahantong sa pagbigti’ tulad nina Gomburza.

Sa paglipas ng panahon ay pinatanggap sa atin ang kanilang relihiyon at dahas.

Tinanggap naman natin nang walang kibo, oo nga’t nakangiti pa.

Pero dumating ang  araw na may mga Filipinong nakapag-aral hindi lamang dito sa sariling bansa bagkus ay sa Europa,  na noon ay  sentro  ng mga progresibong ideya.

Nadala sa Pilipinas ang ganitong pag-iisip. Ito ang simula ng ating kalayaan.

Nabago ang ating pagtingin sa mga bagay. Kahit wala pa ang unang putok ng himagsikan ay lumaya na tayo.

Isinilang ang Katipunan. Pinag-isa ang isip at damdamin ng mga Filipino. Pero pumasok ang mga Amerikano. Giyera ulit.

Sinamang-palad na naging tau-tauhan tayo. Pinatanggap ang pangalawang mananakop.

Pinatanggap ang bagong kultura, hinikayat mangarap. A para sa apple , S para sa Snow.  Nakangiti tayo ulit.

‘Di na tayo natapos sa kangingiti. Pinangakuan tayo ng kalayaan. Ngiti ulit.

Pero kapalit nito pinalagda tayo ng mga kasunduang itinali ang pang-ekonomiyang interes natin, pati pulitika.

Dahil dito, lahat ng administrasyon magmula kay Manuel Quezon ay dumaan sa hirap.

Lalo tayong nabaon sa kahirapan.

Ngayon, napakalaking bahagi ng ng  pambansang badyet ay pambayad lamang ng interes ng ating utang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply