Balik-Pinas na raw si Nora ngayong Pebrero

MARAMI ang nangungumusta kung kailan darating ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Ano na raw ba ang nangyari sa kanyang operasyon sa Boston, Massachussets?

Kailangan daw ba niya ng voice therapy kaya patuloy lang ang pagsunod ni Ate Guy sa doktor.

Nasa Los Angeles, California raw si Ate Guy kung saan siya naka-base at kailangan pa rin niyang bumalik sa Boston after six months.

May balita na babalik sa Pinas si Ate Guy mga bandang February 20 to 25 dahil uumpisahan na raw ang teleseryeng gagawin niya sa TV5 at dalawang pelikula sa Studio 5.

May natitira pang shooting days siya sa ‘El Presidente’ with Gov. Jorge Estregan pero ;di nagmamadali si Gov. ER dahil plano naman niyang isali sa December (2012) MMFF.

Tsuk!

-0o0-

BAGO pa sumabog ang intriga kina Lea Salonga at Anne Curtis, napanood namin sa news program ng isang TV network ang paghingi nila ng paumanhin kay Lea dahil naputol diumano ang interview nila sa Tony Award winner singer at nagkaroon ng maling interpretation.

Sinabi ni Lea na na-misquote lang siya at tinanggap din niya ang apology ng TV5.

Ang isyu ay tungkol sa pag-atake diumano sa boses ni Anne at hindi pagpunta para manood ng soncert ng mga singers na out-of-tune.

“Out of respect kay Ate Lea, tigilan na natin ‘to. Marami kasing nagagalit sa kanya sa Internet. I believe she was misunderstood by TV5,” deklara niya nang dumalaw ang PMPC officers at board of director sa kanilang noontime show na “It’s Showtime.”

Naging masaya ang naturang press visit dahil ultimong si Vice Ganda ay bumati, nagpa-interview at nagbigay-pugay sa mga taga-PMPC na naroon.

After ng press visit ay nagkaroon ng bonding, tsikahan at kainan sa Gerry’s Grill ang PMPC officers at board of directors kasama ang ABS Corporate Communication sa pangunguna ni Sir Bong Osorio, Sir Kane Choa at kaibigang Aaron Domingo.

Nag-enjoy kami nu’ng hapon ‘yun at gusto namin silang pasalamatan.

Sumasaludo talaga kami sa importansya na ibinigay nila sa sa mga bagong halal na opisyales ng PMPC at maganda nilang PR.

Bravo!

-0o0-

KAKAIBA ang aura ni Jennylyn Mercado nang makatsikahan namin siya sa contract signing niya sa Poly-East Records. Gagawa siya ng isang album ngayong taong ito pagkatapos mag-expire ang kontrata niya sa Viva Records.

Mukhang happy siya at kuntento sa boyfriend niyang si Luis Manzano.

“Kasi yung past album na ginawa ko, puro lahat ballad…almost lahat pare-pareho ng genre.

“So rito, parang mas challenging and mas exciting kasi iba yung concept, ‘tapos iba yung attack nila,” kuwento niya sa amin.

“Gusto talaga nila ngayon na different Jennylyn. Gusto nila kumanta ako ng fast (songs),” dagdag pa niya.

Paano naman sila nag-celebrate nu’ng nakaraang Valentine’s Day?

“Nag-dive lang kami. Kasi ayaw namin yung traffic, e!,” kung saan ay nagpunta sila sa isang beach sa Batangas.

Ano ang natutunan niya sa mga nakaraang relasyon niya para  magtagal sila ngayon ni Luis?

“Para sa akin siguro… kasi sobra ako magmahal, e. Hindi naman sa ngayon hindi ako nagmamahal masyado. Hindi naman ganun, parang ano lang, parang kailangan laging may limitation.

“Number one, yung family. Number two, yung career. Number three, of course, yung sarili ko. Number four, lovelife. Kumbaga, alam ko na yung mga priorities ko ngayon. Dati kasi hindi ako magte-taping kasi nag-away kami. Ngayon, hindi na.”

Anyway, mapapanood ng live si Jennylyn Mercado sa March 3 sa Zirkoh, Morato na kung saan ay kasama niya sina Rayver Cruz, Mocha Girls at ang super galing na  komedyante na si Boobsie.

Para sa ibang detalye tumawag sa 7100352, 09215498931 o SM Tickets 470-2222.

Talbog!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply