Ban sa mga shell fish, patuloy sa Lingayen

PATULOY na ipinatutupad ng pamahlaan ang total ban sa mga shell fish sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Ayon sa ulat ni Arthur Ferrer, market supervisor ng Lingayen, simula ng magpalabas ng abiso ang Burau of Fisheries and Aquatic Resource (BFAR) dahil sa pagkakaroon ng red tide sa mga talaba sa Western Pangasinan lalo na sa Brgy. Wawa Bani ay ipinagbawal na nila ang pagpasok ng anumang uri ng shellfish sa kanilang bayan.

Araw-araw nagmomonitor ang kanilang binuong task force at nag iikut-ikot ang mga ito sa kanilang pamilihang bayan.

Dagdag pa ni Ferrer na tinitiyak nilang walang makapapasok na anumang uri ng lamang dagat na apektado ng red tide.

Sinabi pa ni Ferrer na kung kailangang doblehin ang kanilang pagbabantay ay gagawin nila matiyak lamang ang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply