Banal inginuso ni Tiongson sa fake documents

IBINULGAR ni Katipunan branch manager ng PSBank na si Anabelle Tiongson na personal siyang pinuntahan ni Congressman Jorge Banal upang kumpirmahin ang hawak na signature card na nasa pangalan ni Chief Justice Renato Corona.

Ito ang naging pag-amin ni Tiongson makaraang tanungin ni Senadora Loren Legarda kung sino sa custodian ng nasabing mga dokumento ang posibleng nagpalabas nito.

Ani Tiongson, noong Enero 31 nang matungo sa branch si Banal hawak ang naturang signature card upang humingi ng impormasyon kaugnay nito.

Sa testimonya ni Tiongson sa impeachment na nagulat ito sa hawak ni Banal kaya’t agad tinanong kung saan nito nakuha dahil hindi iyon maaaring mapasakamay ng kahit sino.

Ayon kay Tiongson, ang tanging sinagot lamang ni Banal sa kanya ay sasabihin niya kung makikipagtulungan ito.

Gayundin, sinabi ni Tiongson na sinabi sa kanya ni Banal na bahagi siya ng house impeachment  secretariat.

Kaugnay rin nito, nabunyag din sa Impeachment Court ang halos sabay-sabay na pagsasara ng accounts ni Corona sa PSBank noong Disyembre 12, 2011.

Ayon kay Senador Jinggoy Estrada, ayaw niyang maging malisyoso o magkaroon ng pagdududa sa nasabing hakbangin ng panig ni Corona.

Ito ay makaraang isa-isahin ni Tiongson ang bank accounts na hawak nilang nakapangalan kay Chief Justice Renato Corona.

Sa paglalahad ni Tiongson, narito ang hanay ng ilan sa mga account: 1st account balance as of Dec. 31 2009 is zero; as of Dec. 31 2010 is zero 2nd account balance as of Dec. 31 2009 P8.5M; as of Dec. 31 2010 P12,580,316.56; as of Dec 31 2011 is zero.

3rd account (089121020122) under name Renato Corona, peso time deposit, opening date March 4, 2010, opening bal P3.7M, closing date April 23, 2010.

4th account – Peso time deposit account (089121021681) opening balance P7,090,099.45 Sept 1, 2010 5th account (089121011957) opened May 16, 2007 with P2M opening balance; closing – Dec. 31, 2007 P5,018, 255.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply