Banal nagpaliwanag sa impeachment court

PINAYAGAN ni Senate President Juan Ponce Enrile na magpaliwanag si Quezon City Rep. Jorge “Bolet” hinggil sa ibinulgar na kinausap niya ang isang branch manager ng Philippine Savings Bank hinggil sa dollar account ni chief justice Renato Corona.

Ayon kay Banal, nakita niya ang isang kapirasong papel sa labas ng kanilang gate at nang malaman niyang baka mahalagang dokumento ito, minabuti niyang personal na suriin ang katotohanan nito.

“May nakita akong isang papel sa gate ng aming bahay na nakita ko na may nakasulat na 700K, kaya’t nagpunta po ako sa bangko upang klaruhin,” ayon kay Banal.

“Totoo po na tinatakpan ko po ung 700K kasi di ko  alam kung magkano talaga un,” dagdag pa ni Banal.

Sinabi pa ni Banal na wala siyang pinagsasabihan sa sinumang miyembro ng House Prosecution Team kaya humingi ito ng pasensiya sa kansamahan.

“Humihingi po ako ng paumanhin sa aking kasamahan dahil wala akong pinagsabihan sa kanila na mayroon akong kopya, Xerox copy lang naman iyon,” ayon kay Banal.

“Wala po ako talagang pinagsabihan. Baka naka-cause pa ako ng alinlangan dito, kaya pasensiya na po talaga,” giit pa ni Banal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply