Banal, Umali kakasuhan sa ethics committee

NAKATAKDANG ireklamo sa House ethics committee sina Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali at Quezon City Rep. Jorge “Bolet” Banal dahil sa paglalatag ng diumano’y mga pekeng dokumento sa Senate Impeachment Court.

Sa lingguhang press conference ng Minorya, kinumpirma ni House Minority Leader Danilo Suarez na dapat maimbestigahan ang dalawang kongresista dahil sa posibilidad na paglabag sa Bank Secrecy Act.

Ito ay matapos sabihin ni Umali na ang mga hawak niyang bank records ni Chief Justice Renato Corona ay galing sa isang “small lady” subalit hindi niya maalala ang hitsura at pangalan nito habang si Banal naman ay nagsabing ang dokumentong nakuha niya sa Philippine Savings Bank (PSBank) ay nakita niyang nakaipit sa gate ng kanyang tahanan sa St. Ignatius, Quezon City.

Nais ni Suarez na masiyasat ng komite sina Banal at Umali dahil sa umano’y pagdungis sa malinis na pangalan ng iba pang miyembro ng Kamara bunsod sa kanilang mga maling gawa.

“We will be asking the House Ethics Committee to look into their culpability for dragging the good name of the entire House of Representatives into their disorderly behavior,” sinabi pa ni Suarez.

Sinabi pa ni Suarez na ang maling aktuwasyon nina Umali at Banal ay dapat na magsilbing panawagan sa mga kasamahan nito na ihinto ang pagdinig lalo na kung ang intensyon umano ng mga ito ay magkaroon ng trial by publicity laban kay sa punong mahistrado upang magkaroon ng “full blown people power.”

Ani Suarez, malinaw na lumabag sa bank secrecy law ang dalawang mambabatas kahit pa lumalabas sa pagtatanong ng mga senator-judges na galing ang mga dokumento sa Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) at sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Matatandaan na pinagpaliwanag si Banal ng Senate Impeachment Court matapos na mabanggit ang pangalan nito ng branch manager ng PSBank na si Annabelle Tiongson na umano’y nagtungo sa kanilang bangko upang magtanong tungkol sa hawak nitong dokumento na may kinalaman sa bank account ni Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply