Banat ni Corona lumang tsismis – PNoy

WALANG dapat kuwestiyunin sa lagay ng aking pag-iisip!

Ito ang mariing sinabi ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III makaraang hamunin siya ni CJ Renato Corona na ilabas ang kanyang psychological records.

Sa 33rd Founding Anniversary ng Baler, Aurora, sinabi ni PNoy na matagal na niyang nasagot ang tsismis na ipinupukol sa kanya hinggil sa kanyang psychological status kaya masyado nang luma ang isyu na binubungkal ngayon ni Corona.

Maalalang ang lagay ng pag-iisip ni PNoy ang ginamit noon laban sa kanya makaraang sa pagtakbo bilang presidente sa nakalipas na eleksyon.

Matapang din na sinabi ni PNoy na hindi siya natatakot sa balitang magsasagawa ng malawakang protesta ang Iglesia ni Cristo (INC) sa katapusan ng Pebrero, dahil itinanggi na iyon ng grupo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply