Banat ni PNoy kay Corona ‘di kayang pigilan ng impeachment court

WALA umanong nakikitang dahilan ang impeachment court para pigilan si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa pagbanat kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Paliwanag ni Atty. Valentina Cruz, tagapagsalita ng impachment court,  walang specific ruling ang korte para sa mga ganitong uri ng bangayan tungkol sa impeachment na wala namang direktang kinalaman sa proseso ng paglilitis.

Ayon kay Cruz, hindi naman umano maaaring pigilan ang tinatawag na “third party” na magsalita laban sa isa’t isa.

Maging si senator-judge Francis Escudero, nagsabing hindi maaaring pigilan ng Senado si Pangulong Aquino na mag-kumento sa on going impeachment trial dahil hindi ito saklaw ng Senate rules.

Nanawagan ang senador, gayundin si Senate Majority Leader Vicente Sotto sa Pangulo na itigil na ang word war sa punong mahistrado dahil nape-preempt ang ginagawa nilang paglilitis.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply