Banco Filipino pinabubuksan na naman

MULING pinabubuksan ng Court of Appeals (CA) ang Banco Filipino Savings and Mortgage Bank (BF).

Sa desisyon ni Associate Justice Agnes Reyes-Carpio, idineklara ng CA na ilegal ang desisyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ipasara ang bangko at pinagbigyan ang kanilang inihaing petition for certitorari and mandamus  sa dahilang hindi nabigyan ng due process ang BF  nang isailalim sa receivership.

Iniutos din ng CA ang pagpapatupad ng rehabilitation plan para matiyak na mabilis na makabawi ang Banco Filipino sa negatibong sinapit.

Binigyan ng 30 araw ng CA ang BSP at Monetary Board pa bigyan ng  financial assistance ang BF na naaayon sa  halagang nakasaad sa business plan nito.

Matatandaan na  ipinasara ng BSP ang Banco Filipino noong Marso 2011 dahil sa lumalabas na mas malaki pa ang  pagkakautang nito  kaysa kanilang assets.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply