Banggaan ng Azkals, Malaysia nagsimula na

NAG-UMPISA na ang sipaan ng Philippine football team Azkals sa FIFA-sanctioned international friendly game sa South East Asian powerhouse Malaysia.

Tiwala naman si head coach Hans Michael Weiss na magagamit ng kanyang mga bataan ang final phase ng training na ito kontra sa Malaysia sa kanilang pagpasok sa AFC Challenge Cup Elite 8 sa Nepal na magsisimula sa susunod na linggo.

Eksaktong alas 7:00 kanina nang simulan ang laban sa Rizal Memorial Football Stadium.

Nanguna sa kampanya ng Azkals ang magkapatid na Phil at James Younghusband, Fil-British goalkeeper Neil Etheridge, Fil-Spanish Angel at Juan Luis Guirado, Ian Araneta, Nate Burkey at maraming iba pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply