Bangkay ng 2 treasure hunter narekober na

NAREKOBER na ang bangkay ng dalawang nawawalang treasure hunter matapos matabunan ng lupa at bato sa Barangay Lacong sa bayan ng Tagudin, Ilocos Sur.

Nakuha mula sa gumuhong lupa kahapon (Pebrero 17), dakong 3:00 ng hapon ang biktimang sina Gerito Leal ng Brgy. Lacong at Eliazar Balliaran ng Subic, Zambales.

Sa report ng Bandila, nagte-treasure hunting ang dalawa nang biglang yumanig ang lupa na sinundan na ng pagguho dahilan upang matabunan sila.

Nangako naman si Tagudin Mayor Roque Versoza na tutulungan ang pamilya ng mga biktima.

Magkakasa naman ng imbestigasyon ang Tagudin PNP kay Tagudin Vice Mayor Rodrigo Lorenzana sa posibleng panangutan nito sa insidente matapos mapag-alamang siya ang nagmamay-ari ng lote kung saan naghukay ang mga biktima ng tunnel. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply