Bangkay ng lalaki natagpuan sa Malate

ITINAPON sa kalsada ang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage kaninang umaga sa Malate, Maynila.

Ang biktima na namamaga ang leeg sa marka ng sakal ay inilarawang nasa edad na 30-40, may taas na 5’7”, nakasuot ng puting sando, kulay berdeng panty at tadtad ng tattoo ang katawan.

Sa report ni PO3 Rodel Benitez ng Manila Police District-Homicide Section, isang Vera Realtor, 73, ang nakakita sa bangkay ng biktima sa may panulukan ng Donata at P. Ocampo sa Malate, Maynila dakong 4:30 ng madaling-araw.

Maliban sa sakal na nakita sa leeg ng biktima ay wala nang iba pang sugat sa katawan nito.

Hinala ng pulisya na pinatay sa ibang lugar ang biktima at saka itinapon sa lugar.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Yvan Funeral para sa awtopsiya at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply