Bangkay ng OFW sa Hong Kong lumutang sa dagat

HUMIHINGI ngayon ng tulong sa pamahalaan ang pamilya ng isang overseas Filipino worker sa Hong Kong makaraang lumutang ang bangkay ng kanilang kamag-anak sa isang dagat sa nasabing bansa.

Sa imbestigasyon, lumalabas na limang taon nang pabalik-balik sa Hong Kong si Rowena Gomez, pero iba ang kanyang naging kalagayan sa huling naging amo.

Ayon sa pamilya ni Gomez, sampung araw bago natagpuan ang bangkay ng biktima ay nakatawag pa ito sa kanyang mga magulang at naikuwento ang mapait na kalagayan sa kanyang amo.

Bukod sa kawalan umano ng sapat na tulog at maayos na pagkain ay hindi aniya maganda ang trato sa kanya ng mga amo.

Enero 21, 2012 nang makatanggapo ng huling text ang pamilya ni Gomez mula kay Rowena na nagsasabing nais na nitong umalis sa kanyang amo at lumipat ng ibang employer.

Limang araw naman matapos matanggap ang nasabing text ay nabatid naman na nag-report ang hindi pa pinangalanang amo ng biktima sa pulisya hinggil sa paglalayas umano ng dalaga.

Sampung araw matapos ang report ay nakita ang bangkay ng biktima na palutang-lutang na sa dagat.

Iniimbestigahan na ang nasabing krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply