Bangkay ni Cong. Iggy iuuwi ni Grace Ibuna

ANG dating artista at live-in-partner ng yumaong si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo na si Grace Ibuna ang pinaboran ng United Kingdowm (UK) High Court para maiuwi ang mga labi ng kongresista.

Ayon sa report, pinayagn ni UK Justice Peter Smith si Ibuna at anak na si Bernardina Arroyo-Tantoco na maiuwi na ang mga labi ng kongresista sa Pilipinas.

Sa report, ibinatay ang desisyon sa last will ni Rep. Iggy na ginawa nito sa Amerika.

Ito rin ang nagbigay ng kapangyarihan kay Arroyo-Tantoco na maging executor ng naturang will kung saan nakapaloob sa video link ang paghahati-hati ng mga ari-arian ng kongresista at ang kapangyarihan sa mga labi niya.

Sinabi rin sa will na may medical directive si Ibuna at may kapangyarihang magdesisyon kay Iggy.

Wala namang naipakita ang isa pang asawa ni Rep. Iggy na si Alicia “Aleli” Arroyo ng anumang binding evidence tulad ng declaration of trust, special power of attorney, health care directive at last will kaya hindi pumanig dito ang korte.

Unang pumunta si Aleli sa London upang kunin ang mga labi ng dating asawa ngunit hindi siya pinayagan ng korte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply