Bangkay ni Rep. Iggy, uuwi na sa PHL

MAKARAAN ang isang buwan mula nang pumanaw, maiuuwi na sa Pilipinas ng bangkay ni Negros Occidental Rep. Iggy Arroyo.

Batay sa schedule flight ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sakay ng Emirates Flight EK 332 ay lalapag ang mga labi ni Rep. Arroyo sa NAIA ganap na alas-9:40 mamayang gabi kasama sina Grace Ibuna, ang common law wife ng mambabatas, anak ni Ibuna na si Garie Concepcion at anak ni Iggy na si Bianca Arroyo.

Napag-alaman na ang mga labi ni Cong. Iggy ay dadalhin sa Arlington Funeral Homes at ililipat sa ancestral home ng mga Arroyo sa La Vista.

Sa Lunes (Marso 5) isasagawa ang isang necrological service sa Kamara bago ilipad sa Bacolod ang bangkay ni Iggy. Sa Marso 9 itinakda ang kanyang libing. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply