Bank accounts ni Corona, 3 lang ang may laman

NABUNYAG na ang bank accounts at bank deposits ni Chief Justice Renato Corona sa impeachment court nang humarap sa paglilitis si Pascual Garcia III, presidente ng Philippine Savings Bank (PS Bank).

Sa limang ipina-subpoena na bank certificates ay tatlong bank accounts lamang ang napag-alamang may deposito simula ng 2007, 2008, 2009 at 2010.

Ayon kay Garcia, sa bank account no. 089-121011957 ay may deposito ang chief justice na P5.18 milyon, subalit wala nang balanse ng 2008, 2009 at 2010.

Sa ikalawang bank acct no. na 089-121021681 na nabuksan lamang noong December 31, 2010 ay may balanse na P7.100 milyon.

Ang ikatlong account na 089-121020122 ay wala ring naka-deposito mula 2007, 2008, 2009 hanggang 2010.

Sa pang-apat na acct. naman na 089-121019593 ay walang deposito noong 2007, 2008 ngunit pagdating ng December 31, 2009 ay may deposito na P8.5 milyon mahigit sa P12.9 milyon pagdating ng December 2010.

Ang pang-limang account ay walang deposito ng 2007, 2008, 2009 at 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply