Bank info ni Corona ‘di galing mismo sa bangko

MISMONG si House prosecution panel member Rep. Reynaldo Umali ang umamin na hindi galing sa mga bangko nagmula ang kanilang datos hinggil sa bank account ni Chief Justice Renato Corona.

Ani Umali, isang babae lamang na hindi nagpakilala ang nag-abot sa kanila ng envelope na naglalaman ng naturang impormasyon.

Dahil dito, pinaalalahanan ni Senator-Judge Francis Escudero ang korte na kung tatanggapin ang nasabing mga dokumento ay posibleng magkaroon ng paglabag sa umiiral na Bank Secrecy Law.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply