Bank records na galing sa PS Bank peke – Jinggoy

SINABI ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na nanggaling mismo sa Philippine Savings Bank (PS Bank) ang “pekeng” bank records ni Chief Justice Renato Corona na ginamit ng House prosecution panel sa pagkuha ng subpoena.

Sa ika-18 araw ng paglilitis kay Corona, sinabi ni Estrada na mayroong relasyon ang pamilya ni Annabelle Tiongson, branch manager ng PS Bank, sa pamilya ni Iloilo Rep. Niel Tupas na natatanging paraan upang mailabas ang “pekeng” bank records.

“Magkakilala sila, may relasyon sila. The family of Tiongson and Tupas are political allies,” ayon kay Estrada.

Nauna nang inilantad ni Estrada na magkakilala ang pamilya ni Tiongson sa pamilya ni Tupas dahil tumakbo ang pinsan nitong si Robert “Obet” Buenaflor, na anak ng kapatid ng ama nitong si Eugenio Buenaflor, bilang bise gobernador ng kapatid naman ni Tupas bilang gobernador na si Rolly “Boboy” Tupas.

“Hindi naman masyadong malisyoso ang aking pagtatanong, puwedeng doon sa kanilang relasyon lumabas ang leakage of the documents which was used by the prosecution as attachment to the request for a subpoena,” paliwanag ni Estrada.

Aniya, wala siyang ibang intensiyon sa kanyang pagtatanong kundi mabuo ang relasyon ni Tiongson kay Tupas na pinaniniwalaan niyang koneksiyon upang makakuha ng kopya ng “pekeng” bank records ang panig ng prosecution.

Kaugnay nito, mahigpit na pinabulaanan naman ni Tupas ang paratang ni Estrada sa pagsasabing hindi niya kakilala ang pamilya ni Tiongson, ang Buenaflor family na tubong Iloilo, kahit tumakbo ang pinsan ng branch manager bilang bise gobernador ng kapatid niyang si Rolly.

“Your Honor, I would like to manifest because my name was mentioned in the proceeding, even my wife and my brother regarding the questioning made earlier. I would like to manifest that I have only met Ms. Tiongson last Monday,”  ayon kay Tupas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply