Bank records ni Corona ayaw isumite ng BPI, PSBank managers

HINDI basta mapapatawan ng parusa ang mga ipinatawag na bank managers ng Philippine Savings Bank (PSBank) at Bank of the Philippine Island (BPI), kahit tumanggi silang isumite sa impeachment court ang mga hinihingi sa kanilang dokumento.

Ito ang inamin nina Senators Edgardo Angara, Francis Escudero at Serge Osmeña dahil sa “highly contentious” at may legal issue ang tungkol sa pagsasapubliko ng bank records kaya may limitasyon ang subpoena partikular ang may kinalaman sa foreign currency.

Ayon kay Escudero, kung mayroong sapat na dahilan ang mga opisyal ng bangko para hindi iharap ang kanilang records ukol sa sinasabing dollar accounts ni Chief Justice Renato Corona ay posibleng hindi nila agad maipapa-contempt ang mga opisyal.

Kaya aniya, magandang mapakinggan ang interpretasyon ng mga bangko tungkol sa isyu ng foreign deposits sa pagharap ng mga bank manager sa impeachment trial na inaasahan bukas.

Ani Escudero, nasa mga abogado ng prosekusyon kung papaano nila mapipilit ang mga bank official para iharap ang nasabing mga dokumento.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply