Bank records ni Corona pinakuha na ng Senado

INIUTOS na ng Senado bilang impeachment court sa dalawang pribadong bangko na isumite ang lahat ng bank records ni Chief Justice Renato Corona alinsunod sa mosyon na inihain ng House prosecution panel.

Sa kanyang kautusan, inatasan ni Enrile, base sa isang resolution na aprubado ng buong impeachment court ang opisyal ng Philippine Savings Bank at Bank of Philippine Islands na dalhin sa Senado ang lahat ng bank account na may pangalan ni Corona.

“The Court issued the subpoena for the bank records of the Chief Justice Corona in relations to the pending impeachment trial only of the purpose of instant proceedings,”  ayon sa binasang resoliusyon ni Senate Majority Leader Vicente Sotto.

Ngunit, nilinaw ni Enrile na pinadadala lamang sa mga opisyal ng naturang bangko ang bank records ni Corona, ngunit hindi nangangahulugan na tatanggapin o hindi ang naturang dokumento bilang ebidensiya sa paglilitis sa punong mahstrado.

Ayon pa kay Enrile, mas mahigpit ang Foreign Currency Deposit Act kaysa sa Bank Secrecy Laws na nagpapataw ng mas matinding parusa kahit kanino.

“RA 6426 is very strict law, far stricter that RA 1405 which imposes penalty and nobody is exempted whatever your status, whether you are congressmen, or a senator, particularly in Section 10,” giit ni Enrile.

“The appearance of this documents, which in violation of the law, will impair its admissibility which to be resolve in a later date, so ordered.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply