Bar of public opinion

SUPREME Court Chief Justice Renato Corona’s recent move as-king his colleagues to stop the Impeachment Court from allowing the prosecution’s presentation of his foreign currency savings account while Ang dahilan kung bakit halos lahat ng mga korte sa buong mundo ay tumatanggi na magkaroon ng news coverage ang mga kasong kanilang dinirinig ay bunga na rin ng pangamba na magkaroon ng desisyon ang madla bago pa man sila makapagbaba ng kanilang hatol.

Marami kasing “intricacies” ang pagdinig ng isang kaso na hindi alam o naiintindihan ng isang edukadong tao, lalo na nang madlang hindi bihasa sa pagtakbo ng “judicial proceedings.”

Sa kasaysayan ng hustisya sa Amerika, kung saan nakabatay ang karamihan sa ating “legal precedents,” maraming naging desisyon ang korte na hindi inayunan ng masa na naging daan para sa pagbuo ng isang “lynch mob” na gumawa ng sarili nilang parusa.

Subalit ng maglaon ay nalaman din ng nasabing madla na sila ay mali at tama ang husgado dahil mukhang guilty man ang nasasakdal, ang desisyon ng korte ay hindi proteksiyonan ang isa kundi ang karapatan ng nakararami.

Sabi nga nila mas mabuting magpalaya ng isandaang guilty kaysa magpakulong ng isang inosenteng tao. At ito ang isa sa batayan kung bakit mahigpit ang mga korte sa pagpapalabas ng nagaganap sa kanilang proceedings.

Pero sa nagaganap na impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, binalewala ang simpleng karapatang ito ng mamamayan. Sabi nila, ito ay dahil na rin sa isang Chief Justice ang nakasakdal at tama lang na ibulgar ang lahat kahit wala pang napatutunayan.

Pero isipin po natin mga kababayan, kung sa isang punong mahistrado ay maaaring gawin ito, papaano na lang tayong mga ordinaryong tao? Ano ang kayang gawin sa atin ng isang bengatibong pamahalaan.

Papaano na lang kung tayo naman ang bumalik sa lansangan at isigaw ang ating pagkadismaya sa pamahalaan na akala natin ay bibigyan tayo ng katarungan at pag-asa?

Silipin ninyo na lang ang sinasapit ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita na hanggang ngayon ay napapanis na sa kahihintay ng hustisya para sa kanilang nilabag na karapatan.

Sabi ng mga empleyado ng PAL na sinibak, ang sama raw ng loob nila nang binaligtad ng Korte Suprema ang desisyon na pabor sa kanila. Ayon ako sa sentimiyento nila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply