Barko ng Navy maghahatid ng tulong sa biktima ng lindol

UMALIS na ngayong umaga ang Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Heneral Emilio Aguinaldo patungong Bulado Pier sa Guihulngan City sa Negros Oriental galing ng Ba-lam-ban, Cebu.

Ayon kay Lt. Colonel Omar Tonsay, spokesman ng Philippine Navy, sa kabila ng manaka-nakang pag-ulan ay ipapadala sa Negros Oriental ang 10 toneladang relief goods kagaya ng bigas, de-lata, tubig, instant noodles, at segunda manong damit.

Ayon kay Tonsay, kahit abala sa relief operations ang Philippine Navy ay patuloy pa rin sa pagbabantay ng karagatan ang mga sundalo, lalo sa mga pirata at iba pang mga tinutugis ng batas.

Samantala nasiraan kahapon (Pebrero 12) sa gitna ng karagatan ang barkong M/V Agape na dulot ng sama ng lagay ng panahon.

Lulan ang M/V Agape ang 100 pasahero kasama ang 10 Red Cross volunteers at 100 sako ng bigas at iba pang mga relief goods.

Pero dahil sa pagresponde ng BRP Jose Andrada, naihatid na ngayon patungong La Libertad, Negros Oriental ang tulong galing Ronda, Cebu. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply