Bata ni Arroyo, sinopla ni Sen. Trillanes

HINDI pinaporma ni Sen. Antonio Trillanes IV si House Minority Floor Leader Danilo Suarez sa pagkumbinsi kay Speaker Feliciano Belmonte na payagan si dating Pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makagamit ng laptop at cellphone sa loob ng kulungan.

Nitong Linggo, sinopla ni Trillanes si Suarez sa pagsasabing pinayagan siyang makagamit ng laptop at mobile phone sa loob ng kulungan kahit nahatulan sa kasong rebelyon tulad nang ipinamamarali ng kongresista.

“Huwag kang sinungaling,” ayon kay Trillanes kay Suarez.

Sinabi ni Trillanes na walang katotohanan ang paratang ni Suarez na pinayagan siyang makagamit ng computer at mobile phone sa unang tatlong taon ng kanyang pagkakakulonga sa Marine Brigade sa Fort Bonifacio, Taguig at sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City mula July 2007 hanggang December 2010.

Aniya, pinahirapan siya ng Arroyo government noon upang hindi makapagtrabaho habang nakakulong kaya walang katotohanan ang paratang na pinayagan siyang gumamit ng cellphone at computer.

“Katunayan, hindi nga pinayagan ng Arroyo administration na makatanggap ako ng bisita at magsagawa ng committee hearings habang nakakulong,” giit ni Trillanes.

Ikinatuwiran ni Trillanes na nakapagtrabaho lamang siya dulot ng sariling determinasyon at pagpupunyagi ng kanyang staff.

“They brought documents to and from the Senate almost everyday and found ways for me to stay in touch with my colleagues and constituents.”

Aniya, lumuwag lamang sa kanyang detention cell nang maupo si Pangulong Benigno Aquino III noong Hulyo 2010 at pinayagan na siyang makapagsagawa ng pagdinig ng kanyang komite sa loob ng kulungan.

Sa isyu naman ng kahilingan ni Arroyo na ipagpatuloy ang kanyang hospital arrest, sinabi ni Trillanes na wala nang sakit ang dating pangulo kaya wala nang dahilan kung papayagan pa siyang manatili sa  Veteran’s Medical Center.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply