Batang Pinoy, Junior Motorcross rider ng 2011!

ISANG batang Pinoy rider ang pinarangalan sa nakaraang 2012 FIM (Federacion Intarnationale Motocyclismè) Asia Riders of the Year Award na ginanap sa Singapore noong Enero 16.

Si Mark Reggie Flores ay mula sa koponan ng Team NAMSSA Philippines at pinarangalan ng 2011 FIM Asian Junior 85cc Motocross Rider of the Year.

Ang 13 años na binatilyo ay isang tubong Laguna at sa murang edad pa lamang ay nagpakita na ng interes sa mga motorsiklo. Produkto  iya ng National Motocross Development Program ng NAMSSA (National Motorcycle Sports and Safety Association) na naglalayong tulungan ang mga rider na may potensyal upang maging premyadong motocross racers.

Ang Motocross ay isang uri ng karera ng mga motorsiklo na isinasagawa sa off-road circuits (o mga track na hindi sementado at kalimita’y lupa, putik, graba, bato, atbp.) imbes na sa mga race tracks. Ang Motocross ay nagsimula noong 1906 bilang isang trial competition sa mga karera ng motorsiklo asa UK.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply