Batangas, Lanao del Sur nilindol

NIYANIG ng lindol na may magnitude 4.1 ang timog kanlurang bahagi ng Calatagan, Batangas kaninang madaling araw, Pebrero 11.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang intensity 2 sa Balayan at Calaca bandang alas-12:55 ng madaling-araw.

Sinundan ang pagyanig bandang ala-1:30 ng madaling araw na may magnitude 3.9 na tumama naman sa Bumbaran, Lanao del Sur.

Tectonic ang origin ng dalawang magkasunod na pagyanig at wala namang iniulat na pinsala.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply