Bawal ang tanga sa karera

MARAMING pakinabang ang karera ng mga sasakyan.

Sa karera ng kotse nadiskubre ang kahalagahan ng harness o seat belt.

Sa mga karera rin napagtanto na ang helmet ay malaking tulong sa kaligtasan, mapa-kotse, motorsiklo o kahit bisikleta, at marami pang iba.

Sa mga karera napag-aaralan ang mga teknolohiyang nagpapatingkad sa aspeto ng kaligtasan, kapwa ng motorista, pasahero at mga tao sa paligid.

Sa mga karera rin napaghuhusay ang disenyo ng mga sasakyan, para maging matipid sa fuel  (gas/diesel), matibay at komportable.

Napakaraming natututunan sa karera ng mga sasakyan.

Pero Ito Ang Totoo: ang karera ng mga sasakyan ay hindi para sa mga tanga, bobo at iresponsableng tao!

Nitong Linggo, Pebrero 19, sa San Marcelino, Zambales, ginawang karerahan ng motorsiklo ang WLAC road.

Maraming motor cyclists ang sumali, may taga-Olongapo at mula sa mga bayan sa Zambales.

Pero ang mga tolongges na race officials, walang pakialam na ang WLAC road ay hindi naman race track. Walang pakialam ang mga kumag na race officials na ang mga spectator ay gumigitna na sa daan habang naghihintay ng parating na mga sasakyan.

Resulta, ayun! Sinuyod ng isang kareristang ewan ang mga nakatuntong sa kalsadang manonood.

Labas ang buto ng mga nabalian, marami-rami rin ang nasaktan, mapalalaki, mapababae.

May naka-standby namang ambulansya. Tama, dahil sa pagkaka-organisa o pagkadis-organisa ng karera, talagang naghihintay lang ng parating na disgrasya.

Wala naman raw may gusto ng aksidente, katwiran pa ng mga amag. Wala nga pero ang aksidente ay iniiwasan, hindi iniimbitahan sa pamamagitan ng pagiging pabaya sa aspeto ng safety o kaligtasan.

Maiiba na ang takbo ng buhay ng mga biktima ng insidente sa karera sa WLAC road.

Habambuhay na iyan.

Malinaw na may kapabayaan, panoorin ninyo sa You Tube http://www.youtube.com/watch?v=dC5AvF7J3KA at kayo na ang humusga.

Dapat ay may managot diyan. Hindi lamang mga race organizer, tingnan rin ang partisipasyon o kawalan nito, ng barangay, ka-pulisan at pamahalaang ba-yan.
Ito Ang Totoo.
***
Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cp no. 09994001162 o sa Facebook http://www.facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate/143876209055760

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply