Be a justice at yumaman

MARAMING paraan upang yumaman.

Noong college ako, ang sabi ng isa kong classmate, gusto niyang maging pulis dahil malakas daw ang kita. May katwiran siya. Sa PNP pala, puwedeng ibenta uli ang lumang helicopter sa presyong mas mataas pa sa brand new.

Ang isa ko namang classmate, okay lang daw siyang maging janitor o messenger, basta ang assignment niya ay sa Customs o kaya sa BIR. Gusto raw kasi niyang magkaroon ng mga magagarang kotse at bahay.

Mayroon namang nagsabing ang pangarap niya ay malagay sa board ng GSIS, SSS, DBP, MWSS o maski saang government-owned or controlled corporation (GOCC) dahil balita raw niya ay lintik humakot ng pera ang mga miyembro nito.

Ako, gusto kong mamuno ng Laguna Lake Development Authority, o maski saan pang authority, maski Camp John Hay Authority, Clark Authority,  o Subic Authority.

Nagmamadali raw siyang yumaman.

Ang isang classmate ko naman, kukuha raw siya ng law pag nakapasa siya sa AB.

Kakapit daw siya sa mga pulitiko para maging fiscal siya.

“Bakit naman fiscal lang ang gusto mong maging,” tanong ko noon. “Aba,” ang wika niya, “stepping stone yan tungo sa kayamanan at mga condominium na may discount pang 40 percent at underpriced pa.

Ang sabi niya, pagkatapos niyang maging fiscal at mayaman na, lalapit siya kay mayor para ma recommend siyang judge. Isipin mo na lang kung gaano kalaki ang lagayan sa judiciary, lalo na ang civil cases. Tapos, lalapit daw siya sa isang taga-Malakanyang. Baka raw siya maging chairman ng MMDA at baka maging Comelec chairman pa siya.

Kung hindi naman, hintayin na lang daw niyang maging huwes sa Court of Appeals at pag nagkaroon ng vacancy sa Supreme Court, baka maging justice pa raw siya ng Korte Suprema. Lintik din naman itong classmate kong ito, napaka- tayog ng pangarap.

Talaga, sabi niya, kasi ay gusto raw niyang tumira sa bahay na abot na sa langit, sa seventh heaven, sa isang magarang penthouse.

Paano naman kaya niya magagawa iyan? Simple lang yan, pare, ang sabi niya sa akin.

Lalapit ako sa condominium owners na may kaso sa korte. Aalukin ko sila ng favorable decisions kapalit ang pinakamataas na condominium unit sa pinakamahal at pinakamagandang building sa siyudad.

Graft and corruption yan pare at baka mawalan ka pa ng trabaho. “Imposible yan, pare,” sabi niya. “Supreme Court yata ako. “Kaya nga supreme ang tawag sa amin kasi kami lang ang puwedeng magsabi kung ang isang bagay ay naaayon sa batas.”

Pero sabi ni Miriam, mas supreme daw ang Impeachment Court kaysa Supreme Court, ang wika ko sa kaniya. “Sabi ni Miriam yan, pero ang mga senator-judge ay divided sa isyu na yan. Pero kami sa Supreme Court, solid kami diyan. Maniwala ka pare.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply