Bebot binurdahan sa Kyusi, patay

BANGKAY na nang matagpuan ang isang babaing insurance agent sa parking lot sa Barangay Talipapa, Quezon City.

Tadtad ng mga saksak sa mukha at braso si Rosalia Gonzales, 52, na palatandaan na ito’y nanlaban sa suspek na si Alejandro Astero, nagtatrabaho sa talyer na malapit sa parking lot.

Itinuturong si Astero ang responsable sa pamamaslang dahil umano siya ang huling nakita sa naturang lugar bago nangyari ang krimen at natagpuan din sa pinangyarihan ng krimen ang kaputol ng silver na kwintas ng suspek.

Pagnanakaw ang nakikitang motibo sa pagpatay kay Gonzales dahil nawawala ang bag ng biktima at napag-alaman ng mga awtoridad na birthday ngayon ng suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply