Bebot na nasasangkot sa illegal drugs dumarami– PDEA

NABABAHALA ngayon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa mabilis na pagdami ng bilang ng mga babaeng nahuhuli sa pagbebenta ng iligal na droga.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., nakaaalarma na ang pagtaas ng antas illegal drug case at mga babae ang nasasangkot sa mga iligal na aktibidad na ito.

Sa datos na nakalap ng PDEA, nasa 872 ang mga babaeng naarestong lumalabag sa Anti-Drug Law noong 2010 at umabot sa 927 noong 2011, na 6 porsiyento ang itinaas nito.

Maalalang noong Pebrero 6, nahuli ng PDEA ang tatlong babaeng pusher sa magkakahiwalay na insidente.

Sa kasalukuyan, inoobserbahan na rin ng ahensya ang pagkakasangkot ng kababaihan sa drug pushing ngayong taon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply