Bebot patay sa sumalpok na jeep

PATAY ang isang babae matapos sumalpok ang isang rumaragasang pampasaherong jeep sa truck at taxi sa Pasig City kaninang madaling-araw.

Sa inisyal na report, nakilala ang biktima na si Chona Dizon na isinugod sa Pasig City Genral Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon naman sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho ni Jeremy Lazaro ang naturang jeep mula sa terminal sa Anonas sa Quezon City.

Pinansin ito ng mga pasahero at sinabihan ang driver na dahan-dahan lamang sa pagmamaneho hanggang sa bumangga ito sa truck kasunod ang isang taxi sa may panulukan ng Marcos Highway at Amang Rodriguez. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply