Bebot tinangay ng rumaragasang baha

PATAY ang isang dalaga nang tangayin ng rumaragsang flashfloods ang ilang kabahayan sa Camarines Sur, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa kanilang alas 6:00 a.m. update kaninang umaga, ang flashfloods ay sanhi ng walang tigil na pagbuhos ng ulan dulot ng isang low pressure area nitong nakaraang linggo.

Kinilala ang namatay na biktima na si Lilia Alarcio, 18-anyos at residente ng Munti Calbaryo Village sa Buhi town sa Camarines Sur.

Sinabi ng NDRRMC na ang biktima ay tinangay ng malakas na agos ng tubig sa ilog habang ito ay tumatawid sa Buhi River. Ilang oras lamang ang lumipas ay bangkay na ito nang marekober.

Samantala, sinabi rin ng NDRRMC na ang nasabing pagbaha ay tumama rin sa Dagami, Pastrana at Tanauan towns sa Leyte.

Sinasabing may 13 pamilya o 75 katao ang inilkas na palayo sa flood-hit Tacuranga village sa Palo (Leyte).

Nauna rito, sinabi ng NDRRMC na inilkas na rin ang mga residente sa Brgy. 19 at 20 sa Gingoog City at Alegria, Claver at Tubod sa Surigao del Norte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply