€300,000, P10,000 natangay sa Belgian

HINDI akalain ng isang turistang Belgian national na ang kanyang pakikipagkaibigan sa internet ang magsisilbing daan para siya matangayan ng malaking halaga ng salapi sa Makati City.

Umaasa pang madarakip ang babaeng nanloko sa kanya nang magtungo ito kaninang umaga sa Makati Police Station para ireklamo ang suspek na nakilala lamang sa internet na si Cherry Gonzales.

Ayon sa pahayag ng biktima na si Patrick, 53, dakong 5:30 ng umaga nang malaman niya na natangayan na siya ng mahigit sa €300,000 bukod pa sa halagang P10,000 habang siya ay nasa inuupahang condo unit sa Woodland Park, Gen. Macabulos st., Brgy. Bangkal ng nabanggit na lungsod.

Sa kasalukuyan ginagalugad na ng awtoridad ang domestic airport sa pag-asang madarakip ang suspek na papunta na sa Mindanao. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply