Belmonte hanga sa tatag ng prosecution

BAGAMAT kuntento si House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte sa ipinakikitang performance ng House prosecution team ay naniniwala siyang mahabang oras pa ang gugugulin para mapatunayan ang mga alegasyon laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Belmonte, marami pang bagay ang dapat tapusin ngunit nakikita naman aniyang malinaw na may paglabag si Corona pagdating sa pagdedeklara ng mga ari-arian sa kanyang SALN.

Ikinasisiya ni Belmonte ang pagtatanggol ng prosekusyon sa walong article of impeachment kahit pa ilang beses na silang nasabon ng senator-judges.

Giit ni Belmonte, masaya siya dahil sa pagiging determinado ng prosecution team at may basehan naman aniya ang kanilang laban sa punong mahistrado.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply