BFAR may bagong panlaban vs dynamite fishing

MAY bagong panlaban ngayon ang BFAR sa mga dynamite fish na namamayagpag sa mga karagatan.

Ayon kay Atty. Benjamin Fabios, officer-in-charge ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang istratehiyang ito ay tinatawag na “market-denial” at ang mga isdang nahango sa karagatan gamit ang dinamita ay hindi na papasukin at ikakalakal sa merkado.

Katuwang ng ahensya sa proyekto ito ang mga mangingisda na binibigyan ng awtoridad na hulihin ang mga kapwa mangingisda na gumagamit ng dinamita.

Bilang tulong, ang BFAR ay magbibigay din sa kanila ng kaukulang training kontra dynamite fishing.

Bukod dito, nagpapakalat na rin ang BFAR ng quick reaction team o law enforcement agents sa mga daungan at merkado upang manghuli ng mga dynamite fishers. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply