BI chief pinasisibak kay PNoy

NANAWAGAN ang dalawang kilalang kolumnista sa bansa kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino na sibakin na sa puwesto si Immigration Commissioner Ricardo David dahil sa prinsipyo ng “command responsibility” sa pagtakas ng puganteng Korean national na wanted sa kasong swindling sa South Korea.

Sa kanilang opinyon na lumabas sa dalawang pahayagan ngayong araw, sinabi nina dating Senador Ernesto Maceda at Ramon Tulfo na dapat din ipatupad kay David ang nasabing patakaran, tulad ng ginawang pagpapatupad dito sa kaso ni dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula.

Sinabi pa ni Tulfo na kung nagawa ni Ginoong Aquino na sibakin si Gatdula sa puwesto, dapat din ipatupad ang kaparehong kaparusahan kay David, ang dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Hindi naman makapagbigay ng kanilang reaksyon ang kawanihan sa naging pahayag nina Maceda at Tulfo.

Nauna nang sinabi ni Maria Antoinette Bucasas-Mangrobang, tagapagsalita ng kawanihan, na naglilingkod sa bayan si David dahil sa kagustuhan ni Pangulong Aquino.

“He serves at the pleasure of the President,” dagdag pa ni Mangrobang.

Hiniling din nina Maceda at Tulfo kay Justice Secretary Leila de Lima na magsagawa ng sariling imbestigasyon kung papaano natakasan ni Kim Tae Dong ang mga immigration jail guard habang ito ay nagpapagamot sa St. Luke’s hospital noong Disyembre 24, 2011.

Ayon sa mga kolumnista, kung nagawa ni de Lima na magbuo ng investigating panel para busisiin ang umano’y pangingidnap kay Japanese national Noriyo Ohara ng mga tauhan umano ng NBI, dapat din magbuo ang kalihim ng isang lupon na sisiyasat naman sa pagpuga ng puganteng Koreano.

Naniniwala rin sina Maceda at Tulfo na tumatagingting na $2 milyon ang umano’y naging bayaran sa pagtakas ni Kim, habang may karagdagang P50 milyon pa ang sinabi ni Tulfo bilang pinal na kabayaran.

Sinabi pa ni Maceda na tila nagpapatuloy ang korapsyon sa Bureau of Immigration (BI) at patuloy din ang sindikato sa pagpapatakbo ng kanilang illegal na negosyo sa loob ng kawanihan.

Aniya, naging “moro-moro” lang umano ang ginawang imbestigasyon ng kawanihan hinggil sa pagtakas ni Kim at wala naman kinasuhan.

Batay naman sa mga unang pahayag ng kawanihan, sinampahan ng kasong ‘infidelity in the custody of prisoners’ ang 2 jail guards na nakilalang sina Eduardo Dulay at Noel Acedillo. Kasalukuyang dinidinig ang kaso sa Taguig City prosecutor’s office.

Si Kim ay unang dinala sa St. Luke’s hospital noong Agosto 26, 2011 matapos na payagan ito ng kawanihan na ma-hospital arrest dahil sa sakit sa tiyan, hypertension at diabetes.

Unang nahuli ng mga tauhan ng BI-Fugitive Search Unit si Kim noong Hulyo 5, 2011 sa Ortigas, Pasig City matapos na humingi ng saklolo sa immigration ang Korean embassy sa Maynila para sa ikadarakip ng pugante.

Tinakasan ni Kim ang kasong swindling na isinampa laban sa kanya sa Dongi district court sa South Korea.

Ito ay bunsod ng ginawang pandaraya umano ng akusado, kasama ang siyam na kakutsaba, sa larong baccarat o lucky nine sa Seoul noong 2010 kung saan umaabot sa US$8M ang natangay ng grupo sa mga kababayang manlalaro.

Manong Maceda’s column (Star, February 4)

NO CLEANUP… It looks like corruption is continuing in Bureau of Immigration (BI). Korean fugitive, Kim Tae Dong, was allowed to be confined at St. Luke’s Global City from where he escaped or allowed to escape for a reported bribe of $2 million.

Just like the Ohara kidnapping case at the NBI, Secretary De Lima should order an investigation of this case. The BI investigation was whitewashed. Nobody has been charged. Commissioner Ricardo David has command responsibility here. Looks like the syndicates at BI are still doing business.

 

Mon tulfo’s column (Inquirer, February 4)

 

IF PRESIDENT Noy sacked Magtanggol Gatdula as director of the National Bureau of Investigation (NBI) for the kidnapping of a Japanese national, he should also kick out Commissioner Ricardo David of the Bureau of Immigration for the escape of Kim Tae Dong, a Korean held by immigration for various crimes.

The principle of command responsibility should be invoked in both cases: Gatdula’s and David’s.

In the kidnapping of Noriyo Ohara, a P15-million ransom was reportedly involved.

But the amount is peanuts compared to the escape of Kim: $2 million down payment and P50 million final payment.

The staggering amount was allegedly given to some immigration officials and employees.

Justice Secretary Leila de Lima might want to form another probe panel to look into Kim’s escape like she did in the case of Ohara’s kidnapping.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply