Bibig ni Rhian naka-zipper

IBANG klaseng magmahal ang GMA-7. Kapag Gusto nila gusto nila. Kahit pa ang talent ay balot man ng mga nakahihiyang intriga, wala silang pakialam. Katulad ni Marian Rivera, ang dami na nitong inaway, pero wala tayong narinig na ipinataw na parusa sa kanya. Pinagsabihan lamang siya. Kaya masasabi nating sobra-sobra ang seguridad ni Marian sa naturang istasyon. Para siyang nakasandal sa pader.

Sabagay, hindi lang naman siya ang nabibigyan ng ganitong pagmamahal at magandang pagtrato mula sa Kapuso network, si Rhian ay isa ring pinakamaswerteng talent nila. Sa kabila ng kinasangkutan nitong gulo sa dating boyfriend na si Mo Twister ay napatawad pa rin siya ng kanyang mother studio.

Ang huling balitang nakarating sa amin, bibigyan ulit siya ng projects ng Siyete basta sundin lamang niya ang mga ipinagbabawal sa kanya. Hindi siya dapat magsalita na may kinalaman sa rating issue nila ng dating karelasyon. Sa madaling sabi, naka-zipper ang kanyang bibig pagdating sa abortion issue at sa lahat ng gulong nangyari sa kanila ni DJ Mo.

Napakasimple ng hinihinging kondisyon sa kanya ng Channel 7, sundin niya ito upang magtuloy-tuloy ang kanyang career at para makumpleto na ang mga gamit na gusto niyang bilhin sa nabili niyang condo unit.

***

May sumpa ang building ni talent manager kaya ‘di mabili

ILANG kaibigan daw ni talent manager ang kinausap nito para tulungan siyang maibenta ang building na pag-aari ngunit hindi pa rin ito mabili. Mahigit isang taon na raw itong ipinagduduldulan sa kanyang mga friendship pero wala namang positive result.

Hindi kami naniniwala sa sumpa, pero mukhang ito yata ang nangyayari sa pag-aaring establisimyento. Ito raw kasi ay naitayo sa pamamagitan ng ‘notes’ ng isang dating bold actor nung late 80s. Ginamit nito ang kanyang kasikatan plus ang kanyang ‘mahaba’ kaya’t nakaipon ng salapi para maipatayo o mabili ang nasabing building.

Ngayon ay ibinenta raw ito kay manager sa murang halaga dahil ‘yung aktor daw ay nangangailangan ng pera para sa kanyang bisyo.

Kayo, naniniwala ba sa sumpa?

***

Magie Silverio Sakai pauunlarin ang turismo sa Malilipot, Albay

UNA naming nakilala si Margie Silverio taong 1996 sa pag-aari nitong karaoke bar na Lazer2000 na matatagpuan sa Antipolo, Rizal. Baguhan lamang kami sa pagsusulat noon at ni isang pusang gala ay walang nakakikilala sa amin. Kaya nga alanganin kaming lumapit sa kanya.
Pero itong si Ms. Margie ay napakalambing at masayang kausap kaya napalagay agad ang loob namin sa kanya. Hindi siya namimili ng kaharap, sikat man o hindi, lahat pinakikisamahan niya ng maayos.

Anyway, Maliban sa pagiging businesswoman (Nagtrabaho siya Japan ng ilang taon at nagkaroon ng mga negosyo hanggang sa umuwi ng Pilipinas at nag-branch-out ng kanyang Japan business sa bansa). Naging artista rin siya at nakagawa ng maraming pelikula. Nakasama siya ng mga sikat na action star katulad ni Eddie Garcia, Ramon Revilla Sr. na siya ring nakatuklas sa kanya at marami pang iba.

Nakabibilib ang kanyang achievement. Ni sa hinagap ay hindi raw sumagi sa kanyang isipan na maging isang politician. Tama na raw sa kanya ang tumutulong sa kapwa ng walang posisyong hinahawakan. Pero nangyari ang lahat nang umuwi siya sa Malilipot, Albay at mahikayat na tumakbong konsehal ng nasabing bayan.

Out of 33 candidates for municipal councilors nung 2010 National and Local Election ay pangalawa siya sa mga nanalo. Naging puhunan niya sa kanyang pagtakbo ang pakikisama, sensiridad, ganda at talino.

Kaya ang Margie Silverio noon na kilala bilang artista at negosyante ngayon ay mas kilala na ng kanyang mga kakababayan bilang si Coun. Ma. Margarita Silverio Sakai, ang tunay niyang pangalan.

Pangarap ni Konsehal Margie ang mapaunlad ang turismo sa kanilang bayan. Gusto niyang ma-develop pa at mapaganda ang ipinagmamalaki nilang Vera falls, Twin waterfalls o mas kilala sa tawag na Busay falls na dinarayo na ng mga dayuhan at paigtingin pa ang tulong sa paglulubid ng abaka o handicraft para sa paggawa ng magagandang bags, tsinelas at iba pang produktong pang-export.

Ang bayan ng Malilipot ay binubuo ng 18 barangays: Calbayog, Canaway, Barangay I (Pob.), Barangay II (Pob.), Barangay III (Pob.), Barangay IV (Pob.), Barangay V (Pob.), Salvacion, San Antonio, Santicon (Pob.), San Antonio Sulong, San Francisco, San Isidro Ilawod, San Isidro Iraya, San Jose, San Roque, Santa Cruz, at Santa Teresa.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari¬† n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply