Bidding sa magnetic cards ng LRTA binuksan

HINIMOK ng pamunuan ng Light Railway Transit Authority (LRTA) ang mga nagnanais lumahok sa pagsu-suplay ng magnetic cards para sa biyahe ng kanilang Line 1 at Line 2 systems.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA, iniimbitahan nila ang sinumang mga interesado kompanya na magsumite ng kanilang liham kung interesado silang mag-suplay ng 3.3 milyon piraso ng magnetic tickets na gagamitin sa mga biyahe ng kanilang train.

Maaari rin anilang kumuha ng karagdagang detalye ang mga nagnanais na lumahok sa LRTA Business Development Unit sa Line 2 Depot, Santolan, Pasig City.

Sinabi ni Cabrera na ang bagong disenyo ng ticket ay magiging generic at may nakalagay na logo ng DOTC at LRTA.

Simula sa Hunyo 2012, papalitan na ng bagong magnetic cards ang mga lumang ticket na may nakalagay na larawan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ginagamit sa Line 1 at Line 2.

Ipinaliwanag ni Cabrera na may sinusunod na panuntunan ang LRTA na kinakailangang sundin ng pamunuan kaugnay sa paggamit ng lumang ticket hangga’t hindi napapaso.

Karaniwan na aniyang tumatagal ng hanggang dalawang taon ang magnetic cards at sa kalahatian ng taon ay nakatakda nang mapaso ang lumang tickets.

Mapapalitan lamang aniya ang magnetic ticket sa oras na ideklara na ng Commission on Audit (COA) na paso at hindi na ito maaari pang gamitin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply