Biktima pa ng initiation rites lumantad sa NBI

ISA pang biktima ng initiation rites ng Lambda Rho ang lumantad kaninang hapon sa tanggapan ng National Bureau of Investigation.

Agad namang ipinasailalim ni Justice Sec. Leila de Lima ang hindi pinangalanang biktima sa witness protection program makaraang idetalye nito kung papaano namatay sa initiation ang kanyang nakasabayan na San Beda Law student na si Marvin Reglos.

Dagdag pa ng biktima, bagamat nakaligtas siya sa hirap ng initiation, nananatili naman ang bakas ng kalupitan ng nasabing frat sa kanyang katawan.

Samantala, isang Grand Rhoan naman ang itinuturong may kagagawan sa krimen, makaraang ipabago nito ang style ng pagsasailalim sa initiation rites sa mga neophytes.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply