Bilang ng walang trabaho sa bansa, bumaba ng bahagya

NABAWASAN na umano ang bilang ng walang trabaho sa bansa  matapos  na bumaba ang unemployment rate noong 2010.

Ito ang inihayag ng National Statistics Office (NSO) dahil na rin umano sa pagdami naman ng bilang ng mga Filipino na nagkaroon ng trabaho.

Sa report ng NSO, bumaba sa 2.8 milyon mula sa 2.9 milyon na bilang ng mga walang trabaho, noong nakaraang taon.

Ito ay  kabuuang 7 percent mula sa dating 7. 3 percent unemployment rate ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply