Bilanggo sa Kyusi hinataw ng kapwa bilanggo, patay

NASAWI ang isang bilanggo ng Quezon City (QC) Jail makaraang umanong hatawin ng dos-por-dos sa ulo ng kapwa niya ring bilanggo.

Nabatid na sa ospital na binawian ng buhay si Edgardo Liwag, 35, miyembro ng “Sigue-sigue Sputnik Gang”, makaraang hatawin umano sa ulo ng suspek na si Reggie Reyes na nagsisilbing secretary ng kanilang gang sa loob.

Ayon kay QC Jail warden Joseph Bela, sinita ng suspek ang biktima dahil sa pagpaparinig umano sa kalabang grupong “Bahala Na Gang” na ira-riot nila ito.

Nauwi sa pagtatalo ang pag-uusap ng dalawa hanggang sa kumuha ng balisong ang biktimang si Liwag at nang akmang sasaksakin ang suspek, pinagpapalo na nito sa ulo si Liwag.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply