Binantaang di maka-graduate, HS stude nagbigti

PATAY ang isang high school student matapos magbigti nang bantaan ng kanyang teacher na hindi makaka-graduate, sa Sitio Sto. Niño, Brgy. Poblacion, Sogod, Cebu City.

Kinilala ang biktima na si Michael Jordan, 18, 4th year high school graduating student ng Juan Dosado Memorial School.

Sa imbestigasyon, binantaan ng kanyang hindi muna pinangalanang teacher na hindi makaka-graduate ang binata kapag hindi pinakasalan ang nabuntis na kasintahan.

Sa suicide note ng biktima, humihingi ito ng paumanhin sa kanyang mga magulang dahil sa mga nagawa nito.

Hinala naman ng pulisya na posibleng sumama ang loob ng biktima kaya nagpakamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply