Binata kalaboso sa pagnanakaw

SWAK sa kulungan ang isang binata matapos akyatin at pagnakawan ang mga boarder sa isang bahay sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Ricardo Cura, 23 at taga-DM Compound, ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang akyatin ng suspek ang boarder house malapit sa kanilang bahay at tangayin ang cellphone, relo at pera ng mga boarder na sina Crisol De Quillo; Raymond Tulaylay at Joan Catenza.

Paglabas ng suspek ay nakita siya ng mga tambay na naging dahilan upang isuplong siya sa mga barangay tanod.

Hinanap ang suspek at nang makita ay binitbit sa presinto subalit hindi na nabawi ang dalawang cellphone at P7,500 cash ng mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply