Binatang nanggigil sa boobs ng bebot dinakma

SHOOT sa kulungan ang 19-anyos na lalaki makaraang ireklamo ng isang magandang dalaga na kanyang hinipuan ng boobs sa loob ng pampasaherong bus sa Manggahan Commonwealth Avenue, Quezon City kaninang madaling-araw.

Itinago ang pangalan ng biktima sa Michelle, 20, ng Jade St. Don Antonio heights, QC, habang ang nadakip na suspek ay si Ken Robert Mariano, ng Kalinisan St., Brgy. Commonwealth, QC.

Ayon sa reklamo ng biktima sa himpilan ng Quezon City Police District station 6 Batasan, sakay siya ng isang pampasaherong bus sa Commonwealth Avenue, QC patungong Fairview nang tumabi sa kanya ang suspek, ala-1:00 ng madaling-araw kanina.

Nakaramdam aniya ang biktima ng panganib nang mapansing nakatitig sa kanyang malusog na dibdib ang suspek at nang pumara ang binata, bago tuluyang bumaba ng bus ay dinakma nga ang kanyang boobs.

Dahil sa pagkabigla ay napasigaw ang dalaga na nakatawag ng pansin sa kundoktor at ilang pasaherong lalaki dahilan para maaresto ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply