Biyahe ng LRT-1 passengers naabala sa aberya

LIBONG commuter ang nabalam ang pag-uwi sa kani-kanilang bahay kaninang alas-5 ng hapon makaraang magkaaberya ang operasyon ng tren ng LRT-1.

Kinumpirma ng pamunuan ng LRT na nagkaroon ng air leak o pagbaba ng air pressure kung saan naapektuhan ang brake ng tren pagsapit sa Carriedo Station.

Galing ng Baclaran ang tren at patungo ng Monumento.

Makaraan ang ilang minuto ay nakabalik din naman ang biyahe sa normal na operasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply