BJMP humingi ng tulong sa PNP matapos ang KCJ bombing

HUMINGI na ng tulong ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Philippine National Police matapos ang nangyaring insidente sa paglusob ng may 12 armadong kalalakihan at pasabugan ang Kidapawan City Jail gamit ang rocket propelled grenade na ikinasawi ng tatlong sibilyan at ikinasugat ng 12 iba pa Linggo ng gabi (Pebrero 19).

Dahil dito nagpadala ng isang mobile group ang PNP sa perimeter area ng piitan para matiyak na hindi na muling makakaatake pang muli ang mga armadong grupo.

Ayon kay BJMP Director Rosendo Dial, sinalakay ng armadong grupo ang Kidapawan City Jail para itakas ang presong si Datukan Asmad alyas “Lastikman” na sinasabing follower ni Moro Islamic Liberation Front Commander Umbra Kato.

Si Asmad ay nadakip noong Disyembre 2011 dahil sa kasong kidnapping with ransom, robbery, double homicide at multiple murder.

Ayon kay Dial, wala namang balak ang kanilang hanay na ilipat ng kulungan si Asmad dahil sa ngayon maituturing na secure naman ang detention facility.

Nabatid pa kay Dial na nakaalerto na rin ang kanyang mga tauhan para siguruhing hindi makatatatakas si Asmad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply