Blessed Calungsod magiging santo na

MAGIGING ganap nang santo sa Oktobre 21 si Blessed Pedro Calungsod matapos itakda ng Santo Papa ang kanyang canonization sa nasabing petsa.

Sa nasabing petsa ay kasama ni Blessed Calungsod sa kanyang canonization  sina Blessed Giovanni Battista Piamarta ng Italy, Blessed Jacques Berthieu ng France, Blessed Maria del Carmen ng Spain, Blessed Maria Anna Cope ng Germany, American laywoman Blessed Kateri Tekakwitha at Blessed Anna Schaffer ng Germany.

Ayon kay Cardinal Angelo Amato, prefect of the Congregation for the Causes of Saints, pangungunahan ni Pope Benedict XVI ang nasabing selebrasyon.

Ang pagtakda kay Blessed Calungsod bilang isang santo ay matapos na lagdaan ng Santo Papa ang decree na nag-aapruba sa milagrong nagawa nito kabilang ang iba pa upang tuluyang maging santo.

Si Blessed Calungsod ay inilarawan din ng Vatican bilang “Filipino lay catechist at martyr.”

Siya ay isinilang sa Ginatilan, Cebu at lumaki sa Iloilo City. Naging misyonaryo naman ito sa iba’t ibang lalawigan ng bansa sa edad pa lamang na 17.

Ito ay nakarating din sa Marianas Island sa bansang Guam at nagsagawa ng binyag kasama si Fr. Diego Luis de San Vitores subalit pinatay sila nang maakusahang nakamamatay ang ginamit nilang tubig.

Taong Marso 2005 naman ng gawin blessed si Calungsod at nitong Disyembre 19 ay naproklamang santo na ngayon ay kilala sa kanyang dalang krus sa kanang kamay at dahon ng palma naman sa kaliwang kamay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply