Blue lane violators umabot na sa 148

UMABOT na sa 148 ang naitalang violators ng motorcycle lane o blue lane sa kahabaan ng EDSA, sa unang araw pa lamang ng full implementation nito.

Ayon sa tala ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang 9:00 a.m. update, pinakamaraming nahuli sa General Simon sa EDSA Caloocan, 66.

Sinundan naman ito ng 38 na violators sa EDSA Orense sa Makati City habang 29 naman ang naitalang violators sa EDSA Roxas Boulevard.

Kaunti naman ang naitalang mga violators sa EDSA White Plains, walo, at sa EDSA Quezon Avenue hanggang Timog Avenue, na may pitong violators lang.

Nabatid na nagsimulang ipakalat ang mga kawani ng MMDA bandang alas-6:00 ng umaga upang imonitor ang mga nagmo-motorsiklong lalabag sa mga ipinagbawal ng ahensiya tulad ng pagbibiyahe ng walang helmet, naka-tsinelas, walang plaka at iba pa.

Pagmumultahin ang mga lalabag mula P500 hanggang P2,000.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply