P15M halaga ng ari-arian natupok sa Paranaque

AABOT ng  P15 milyong halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy sa isang bodega sa Paranaque City kaninang madaling-araw.

Nagsimula umano ang sunog bago maghatinggabi sa isang bodega sa Km. 16 East Service Road sa Martin de Porres Village.

Wala naman umanong nasaktan sa insidente ayon sa City Fire marshall superintendent na si Manuel Manuel.

Ang sunog ay umabot ng fifth alarm bago ito idineklarang under control bago mag alas-4:00 ng umaga.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply